Wednesday, September 10, 2008

SALAWIKAIN / PROVERBS

SALAWIKAIN / PROVERBS
SALAWIKAIN
Ang mga SALAWIKAIN ay pamana at kalinangan ng lahi na hindi dapat ipagsawalang-bahala at ibaon sa limot.Ang mga salawikain o kawikaang Pilipino ay mabuting hanguan ng impormasyon hinggilsa matatandang kaugalian, paniniwala, asal, at gawi.Ang mga ito'y mga tagapagmansag ng mayamang tradisyon ng lahing Pilipino: maaaring maging gabay sa pamumuhay,patnubay sa pakikipagkapwa, at suhay sapakikilaban sa karahasan ng buhay.Ang mga pangunahing layunin ng mga salawikainay ang pangangaral o kaya'y ang pagsasabi ngkatotohanang hindi mapasusubalian.Ang mga Pilipino ay may sariling kalipunan ng salawikain. Kung saan, paano, at sino ang nagpasimula ng mga ito ay walang makakapagsabi.Marahil ang ilan ay dala rito ng mga dayuhan.Ang iba ay pamana ng mganinunong Pilipino na nagpalipat-lipat sa mga labi ng salinlahi.Ang salawikain ay nasasa berso, maaaring may sukat, at kadalasa'y may tugma.Ito ang dahilankung bakit madali itong maisaulo ng bata't matanda.
Proverbs or sayings are part of one's cultural heritage which should not betaken for granted nor forgotten.Filipino proverbs are good sources of information aboutold traditions, beliefs, customs, and ways.They also serve as guardians of the rich Filipino tradition:they could serve as guide to living,advice on social relations, and encouragementin facing life's harsh realities.The main purpose of proverbs is to teach or to tell truths that cannot be doubted.Filipinos have their own collection of proverbs.Where, how, and who startedthese sayings, nobody knows.Perhaps some were brought by foreigners. Others are part of the inheritance of Filipino ancestors that were passed on fromthe lips of various generations.A proverb is a verse, may have specific number of lines, and most of the time has rhyme. This is the reason why it is quite easy to memorizeby young and old alike.








Salawikain at Kasabihanmula sa Mga Pahina ni Laura

* Pahaba-haba ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy.
* Aanhin mo ang palasyo kung ang nakatira ay kuwago; mabuti pa ang bahay kubo ang nakatira ay tao.
* Ang karukhaan ay hindi hadlang sa pagtatagumpay.
* Ang karunungan ay kayamanang walang taong makapagnanakaw.
* Ang paala-ala ay mabisang gamot sa taong nakakalimot.
* Ang mababa ay maganda, may dangal at puri pa.
* Ang kalusugan ay kayamanan.
* Ang taong nagigipit, kahit sa patalim ay kumakapit.
* Kung pukulin ka ng bato, tinapay ang iganti mo.
* Hangga't makitid ang kumot, magtiis mamaluktot.
* Magsisi ka man at huli wala nang mangyayari.
* Mahuli man at magaling, naihahabol din.
* Nasa huli ang pagsisisi.
* Ang nauuna ay nagsisisi, nagkukumamot ang nahuhuli.
* Ang pagkakataon sa buhay ay madalang dumating. Kapag narito na, ating samantalahin.
* Kung hindi ukol, hindi bubukol.
* Balat man at malinamnam, hindi mo matitikman.
* Matalino man ang matsing, napaglalalangan din.
* Bawat palayok ay may kasukat na suklob.
* Batang puso madaling marahuyo.
* Kung saan nahihilig duon din nabubuwal.
* Tikatikatik man kung panay ang ulan, malalim mang ilog ay mapapaapaw.
* Naghangad ng kagitna, isang salop ang nawala.
* Ang bulsang laging mapagbigay, hindi nawawalan ng laman.
* Araw-araw ay "corpus" kung pista ay upos.
* Ubus-ubos biyaya, maya-maya ay nakatunganga.
* Kung ano ang sukat ng ohales iyon ding ang laki ng butones.
* Nasa tao ang gawa nasa Diyos ang awa.
* Kung binigyan ng buhay, bibigyan din ng ikabubuhay.
* Ang iyong kakainin, sa iyong pawis manggagaling.
* Buhay alamang, paglukso ay patay.
* Isang kahig isang tuka.
* Buntot mo hila mo.
* Kung nasaan ang asukal, naruon ang langgam.
* Walang mapait na tutong sa taong nagugutom.
* Lahat ng gubat ay may ahas.
* Ang anumang kasulatan dapat ay lalagdaan.
* Nasa taong matapat ang huling halakhak.
* Ang tunay na kaibigan karamay kailan man.
* Ang tunay na kaibigan, nakikilala sa kagipitan.
* Ang matapat na kaibigan, tunay na maaasahan.
* Turan mo ang iyong kaibigan, sasabihin ko kung sino ikaw.* Ang tunay mong pagkatao, nakikilala sa gawa mo.
* Ang tao kapag mayaman marami ang kaibigan.
* Magkulang ka na sa magulang huwang lamang sa biyenan.
* Ang pag-aasawa ay hindi biro, 'di tulad ng kaninIluluwa lung mapaso.
* Nakikita ang butas ng karayon, hindi makita ang butas ng palakol.
* Kung gaano kataas ang lipad gayon din ang lagapak pag bagsak.
* Hampas sa kalabaw, sa kabayo ang latay.
* Mahirap malipol ang masamang damo.
* Kapag ang ilog ay matahimik, asahan mo at malalim. Kapag ang ilog ay maingay, asahan mo at mababaw.* Tulak ng bibig, kabig ng dibdib.* Papunta ka pa lamang ay pauwi na ako.
* Ang lumalakad nang mabagal, kung matinik ay mababaw. Ang lumalakad nang matulin, kung matinik ay malalim.
* Ang hindi lumingon sa pinanggalingan hindi makakarating sa paruruonan.
* Ang langaw na dumapo sa kalabaw, mataas pa sa kalabaw ang pakiramdam.
* Maraming salita, kulang sa gawa.
* Madaling sabihin, mahirap gawain.
* Wala kang mabubunot sa taong kalbo.* May tainga ang lupa, may pakpak ang balita.
* Kung ano ang itinanim, iyon din ang aanihin.
* Ako ang nagtanim, ang nagbayo at nagsaing, saka nang maluto'y iba ang kumain.
* Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo.
* Kung matigas ay bato, kung malambot ay tao.
* Pili nang pili, natapatan din ay bungi.
* Huwag magbilang ng manok hangga't hindi napipisa ang itlog.
* Kung sino ang unang pumutak, siya ang nanganak.
* Nauntog akong minsan ayaw ko nang mauli. Baka sa susunod ngipin ko ang mabungi.
* Huwag kang magbibintang kung hindi mo nakakamayan.
* Magkupkop ka ng kaawa-awa, langit ang iyong gantimpala.
* Ang mabuting gawa kinalulugdan ng madla.
* Kung ang nabasagan ay hindi nanghihinayang, ako pa kayang nakabasag lamang.
* Kapag bukas ang kaban, nagkakasala sinuman.
* Ang butong tinangay na aso, walang salang nalawayan ito.
* Ang utang ay utang, hindi dapat kaimutan.
* Ang iyong hiniram, isauli o palitan. Upang sa susunod, hindi ka makadalaan.
* Kung labis ang tamis ang lasa ay mapait.
* Ang bungang hinog sa sanga matamis ang lasa.Ang bungang hinog sa pilit kung kainin ay mapait.* Walang humawak ng lutuan na hindi naulingan.
* Sala sa lamit, sala sa init.
* Gawain mo sa kapuwa mo. Ang nais mong gawain niya sa iyo.
* Ang sakit ng kalingkingan damdamin ng buong katawan.
* Ang mabigat ay gumagaan kapag pinagtulung-tulungan.
* Masakit ang katotohanan.
* Madaling pumitas ng bunga kung dadaan ka sa sanga.
* Ibong sa ahola'y ikinulong nang mahigpit kapag nakawala'y hindi na babalik.
* Barang ginamit mo sa iyong kapuwa, siya ring panukat sa iyong pagkadapa.
* Ang karunungan ay kayamanan gamitin sa kabutihan.
* Kahoy mang babad sa tubig sa apoy huwag ilapit'pag ito'y nadarang sa init, sapilitang magdirikit.
* Nawawala ang ari, nguni't ang uri ay hindi.
* Pag sapit ng gabi'y laging may umaga.
* Sa larangan ng digmaan, nakikilala ang matapang.
* Kung may hirap ay may ginhawa.
* Kung ano ang taas ng pagkadakilasiya ring lagapak kapag nadapa.
* Ang pag-ilag sa kaaway ang tunay na katapangan.
* Bago mo batiin ang dungis ng ibang tao,ang dungis mo muna ang tingnan mo.
* Walang pagod magtipon, walang hinayang magtapon.
* Nang makatagpo ng damit na payong,ang abang anahaw ay 'di na malingon.
* Ano man ang tibay ng piling abakaay wala ring silbi kapag nag-iisa.
* Minamahal habang mayruon, kung wala ay patapon-tapon.
* Ang gawa sa pagkabata, dala hanggang sa pagkamatanda.
* Ang taong mainggitin, lumigaya man ay sawi rin.
* Sa taong may tunay na hiya, ang salita ay panunumpa.
* Walang matiyagang lalake sa pihikang babae.
* Walang matibay na baging sa mahusay maglambitin.
* Ang bayaning nasugatan, nag-iibayo ang tapang.
* Kung takot sa ahas, iwasan mo ang gubat.
* Kapag may isinuksok, may madudukot.
* Matutuyo na ang sapa nguni't hindi ang balita.
* Ang tunay na anyaya, may kasamang hila.
* Binatang taring, buwal ma'y tayo rin.
* Ikaw ang bahala, ako ang kaawa-awa.
* Ang damdaming nasugatan, gumaling man ay balantukan.

No comments: