Wednesday, September 10, 2008

MGA PANALANGIN

ANG AMA NAMIN

Ama Namin,sumasalangit ka.
Sambahin ang ngalan mo.
Mapasaamin ang kaharian mo,
Sundin ang loob mo dito sa lupa para nang sa langit.
Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw,
At patawarin mo kami sa aming mga sala,
Para nang pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amin
At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso,
At iadya mo kami sa lahat ng masama.
Amen.


ANG ABA GINOONG MARIA

Aba Ginoong Maria,napupuno ka ng grasiya,
Ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo.
Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat
At pinagpala rin naman ang anak mong si Hesus.
Santa Maria, Ina ng Diyos
Ipanalangin mo kaming makasalanan
Ngayon at kung kami'y mamamatay.
Amen.


ANG LUWALHATI

LUWALHATI sa Ama, sa Anak at sa Espiritu Santo.
Kapara noong unang-una, ngayon at magpakailan man at
magpasawalang-hanggan. Amen.



LUWALHATI SA DIYOS

Luwalhati sa Diyos sa kaitaasan
Kaloob sa lupa ay kapayapaan
Pinupuri ka’t ipinagdarangal
Sinasamba ka
Dahil sa dakila mong kaluwalhatian
Panginoon naming Diyos
Hari ng langit Amang Makapangyarihan
Panginoong Hesukristo
Bugtng na Anak ng Diyos
Kordero ng Ama
Ikaw ng nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan
Tanggapin mo an gaming kahilingan
Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama
Maawa ka sa amin
Ikaw lamang ang Banal Panginoong Hesukristo
Kasama ng Espiritu
Sa luwalhati ng Ama, Amen


ANG PANGINOON KONG HESUKRISTO

Panginoon kong \hesukristo, Diyos na totoo at tao naming totoo,
gumawa at sumakop sa akin.
Pinagsisisihan kong masakit sa tanang loob ko ang dilang
pagkakasala ko sa iyo.
Na ikaw nga ang Diyos ko, Panginoon ko, at Ama ko.
Na iniibig ko nang lalo sa lahat.
At nagtitika akong matibay na matibay na din a ako muli-muling
magkakasala sa iyo.
At nagtitika naman akong magkumpisal ng dilang kasalanan ko.
Umaasa akong patatawarin mo sa Krus, dahilan sa akin. Siya
nawa.


ANG SUMASAMPALATAYA

Sumasampalataya ako
Sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat
Na may gawa ng langit at lupa.
Sumasampalataya ako kay Hesukristo,
Iisang anak ng Diyos,
Panginoon nating lahat.
Nagkatawang-tao siya lalang ng Espiritu Santo,
Ipinanganak ni Santa Mariang Birhen.
Pinagpakasakit ni Poncio Pilato,
Ipinako sa krus, namatay, inilibing.
Nanaog sa kinarororonan ng mga yumao.
Nang may ikatlong araw nabuhay na mag-uli.
Umakyat sa langit.
Naluklok sa kanan
ng Diyos Amang makapangyarihan sa lahat.
Doon magmumulang paririto
at huhukom sa nangabubuhay
at nangamatay na tao.
Sumasampalataya naman ako
sa Diyos Espiritu Santo,
sa banal na Simbahang Katolika,
sa kasamahan ng mga banal,
sa kapatawaran ng mga kasalanan,
sa pagkabuhay na muli
ng nangamatay na tao
at sa buhay na walang hanggan.
Amen



PANALANGIN BAGO KUMAIN

Bendisyunan mo po kami at sampu niyaring mga biyayang ito na
aming kakanin na pawing galling sa dakila mong kabutihan alang-
alang kay Hesukristong Panginoon naming. Siya nawa.

No comments: